Posts

Image
  Ilaw Ng Tahanan Unang babaeng aking nakilala Na matapang at dakila Ang nagdala sa akin ng siyam na buwan At ang nagluwal mula sa kanyang sinapupunan Ang nag-agapay sa akin mula nung isinilang At ang nagtugon sa aking pangangailangan Sa lahat ng oras ay naging karamay Sinakripisyo lahat upang ako'y magtagumpay Hindi sapat ang pagpapasalamat, Sa iyong mga sakripisyo at pagsisikap. Dapat kang ipagmalaki sa lahat, Dahil ito ang nararapat.