Ilaw Ng Tahanan
Unang babaeng aking nakilala
Na matapang at dakila
Ang nagdala sa akin ng siyam na buwan
At ang nagluwal mula sa kanyang sinapupunan
Ang nag-agapay sa akin mula nung isinilang
At ang nagtugon sa aking pangangailangan
Sa lahat ng oras ay naging karamay
Sinakripisyo lahat upang ako'y magtagumpay
Hindi sapat ang pagpapasalamat,
Sa iyong mga sakripisyo at pagsisikap.
Dapat kang ipagmalaki sa lahat,
Dahil ito ang nararapat.

Comments
Post a Comment